Ang Pilipinas ang host ng tagisan ng talino ng mga kabataan mula sa 14 na bansa sa Asia Pacific region sa isinasagawang International Nuclear Science Olympiad (INSO) na nagsimula na kahapon, Hulyo 31, 2024, at magtatapos sa Agosto 7, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Department of Science and Technology)
Sa anunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) mula sa tanggapan niyo sa Bicutan, Taguig City, sinabi nitong ang kauna-unahang INSO ay ang magiging entablado ng mahuhusay na estudyanteng nasa sekondarya mula sa Asia Pacific kung saan maglalaban sila sa theoretical at practical examinations upang ma-testing ang kanilang kaalaman sa nuclear science.

News Image #2

(Larawan ng DOST)

Ang kumpetisyon ay isinasagawa ngayon sa National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark Center sa Capas, Tarlac.

Pinangungunahan ito ng Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DoST-PNRI) kasama ang Department of Education (DepEd), DoST-National Research Council of the Philippines at International Atomic Energy Agency (IAEA).

Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa mga bansang kasaliu sa kumpetisyon ang Bahrain, Iran, Jordan, Malaysia, Mongolia, Oman, Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, Singapore, Sri Lanka, Thailand at United Arab Emirates.

Maaaring mapanood ang kumpetisyon sa mga social media channels ng DOST-PNRI.