Personal na binuksan ang kandado sa West Rembo Fire Station ni Secretary Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Government (DILG) makaraang ipag-utos umano ni Makati Mayor Abby Binay sa opisyal ng Bureau of Fire Protection ang pagpapasara rito at sa isa pang istasyon sa Comembo.

News Image #1

(Screenshot ng panayam kay DILG Secretary Benhur Abalos)

Kasama ni Abalos na nagbukas ng istasyon ng bumbero sa Barangay West Rembo si Makati City Administrator Claro Certeza.

News Image #2

(Screenshot mula sa panayam kay Makati City Administrator Claro Certeza)

Ipinabahala ng Makati sa DILG ang pamamahala sa dalawang istasyon ng bumbero sa EMBO barangays makaraang kausapin ni Abalos si Binay para isantabi muna pansamantala ang isyu sa pagmamay-ari sa gusali at lupang kinatitirikan nito.

"Mga firetrucks na pag-aari ng national, kami (DILG) na po ang bahala. 'Yung pag-aaring personal ng Makati, di natin sila mape-pwersa, kanila po yun. Lahat ng mga national (na kagamitan) na naka-register sa Bureau of Fire, ipapasok lang namin dito," ayon kay Abalos. (I-click ang video sa baba)


(Video mula sa Facebook Page ni DILG Secretary Benhur Abalos)

Nang tanungin si Abalos kung bakit ikinandado ng Makati ang dalawang fire stations sa EMBO, sinabi nitong ang mga legal issues katulad ng gagastusin pa rin sa mga istasyon ng bumbero sa EMBO ay hindi na kasama sa budget ng Makati.

Nagpasalamat naman si Certeza kay Abalos sa naging aksyon nito at ang pag-alam sa posisyon ng Makati.


News Image #3

(Screenshot from the video at DILG Secretary Benhur Abalos' Facebook Page)

"It's just a matter of kailangan din na paninindigan namin ang pangangalaga ng aming properties. But with the intervention ni Secretary rito, nagkaliwanagan kaming lahat and hopefully with regards to other facilities ganoon din ang gagawin. Now, possession is being given to the DILG. As to the details regarding that (ipapahiram, ili-lease, etcetera) we have to talk with the Secretary. Sabi nga ni Secretary, madali namang kausap si Mayora (Binay). Ang importante ay mabuksan ngayon," ang pahayag naman ni Certeza.