Isang ceremonial na oagbubukas ng "The Lights of Christmas" park sa Lakeshore C-6 Road Lower Bicutan, Taguig City ang isinagawa kaninang alas 5 ng hapon, Nobyembre 28, sa pangunguna ni Taguig Mayor Lani Cayetano.
Ito ang pinakamalaking lights park sa bansa. Magbubukas ito sa publiko mula Nobyembre 29, 2023 hanggang Enero 14, 2024.
May mga bago at kakaibang attractions ang lights park tulad ng Graffiti Tunnel, Giant Coloring Floor, Heart Tower, 3D Lighted Church, Dancing Light Tunnel, Maze of Life, at ang Aqua Luna Lights and Sounds Show.
Kasama rin ang naging malaking atraksyon noong isang taon - ang Walkaway of Lights - isang daan na puno ng ilaw at magagandang tanawin.
Bukod sa light attraction, ang parke ay magiging lugar din ng
Mercado Del Lago Food Park.
Ang inisyatibong ito ay isa lamang sa maraming programa ng pamahalaang lungsod ng Taguig upang masiyahan ang mga Taguigueño ngayong Kapaskuhan.
(File photos from Taguig PIO)
Pinakamalaking Christmas Lights Park sa Bansa, Bubuksan sa Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: