Bukas na sa publiko ang pinakamalaking lights park sa bansa sa Taguig Lakeshore Complex simula Nobyembre 29, 2023 hanggang Enero 14, 2024.
Libre ito sa publiko subalit kailangang magpa-book kung pupunta sa Taguig Lights of Christmas o Christmas by The Lake sa Lakeshore Complex sa C6 Barangay Lower Bicutan.
Narito sa art card ang pamamaraan para magpa-book. Kung magwo-walk-in asahan ang napakahabang pila.
Ang anim na ektaryang Lights of Christmas Park sa Laguna Lake ay katatampukan ng Graffiti Tunnel, isang black light art experience, na magpapakita ng mga kamangha-manghang murals ng mga lokal na artists na gumamit fluorescent materials.
Mayroon ding "I Love Taguig" installation o ang kamay at puso kung saan mayroon ding higanteng coloring floor. Mayroon ding Heart Tower at ang 3D lighted church na replica ng makasaysayang Santa Ana Church na ginawa noong 1587 at kinilala bilang minor basilica noong 2022.
"Ipinagmamalaki namin ang Taguig, ang aming Probinsyudad, isang lungsod kung saan mai-enjoy mo ang finest amenities of a modern city pero napaka-unique po namin dahil mararamdaman ninyo dito yung charm ng isang probinsya. Saan ka makakakita ng lungsod sa Metro Manila na ganito? Proud po kami sa aming Probinsyudad and we are happy to share the happiness of Taguigueño to all of you," ang pahayag ni Taguig Mayor Lani Cayetano na opisyal na binuksan ang lights park noong Nobyembre 28.
Panoorin ang video na ito mula sa Taguig PIO: https://www.facebook.com/taguigcity/videos/2666317370199891/
Mayroon ding mga food kiosks sa Mercado de Lago para sa mga bibisita sa parke.
Mayroon ding Aqua Luna Lights and Sound Show kung saan mayroong laser beam animation na sumasabay sa tugtog.
Mayroon ding village train ride para sa mga seniors, persons with disabilities at buntis para makaikot ng komportable sa parke.
Pet-friendly rin ang Lights of Christmas pero maliit lang na breed ng aso at pusa ang pinapayagan, Kailangan ding updated ang anti-rabies vaccine ng mga ito.
(Photos by Taguig PIO)
Pinakamalaking Lights of Christmas Park, Bukas Na Simula Nobyembre 29, 2023 Hanggang Enero14, 2024 sa Taguig Lakeshore Park sa C6 Lower Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: