Balik-operasyon ngayong araw na ito, Disyembre 26, 2023, ang Christmas by the Lake sa TLC Village Park, Lakeshore Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Simula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi ay makakapasok ng libre ang lahat ng mga gustong makita ang mga makukulay na ilaw, mga pagtatanghal, mga clowns, magicians at jugglers, at matikman ang masasarap na pagkain sa TLC Park.

News Image #2


Ang pinakamalaking lights park sa Pilipinas ay bukas hanggang Enero 14.

Bukas ito para sa lahat, Taguigueño man o hindi, mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi mula Linggo hanggang Huwebes at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi tuwing Biyernes at Sabado.

News Image #3


(Mga larawan mula sa Facebook Page: Christmas by the Lake - TLC Village)