Pangungunahan ng kampeon ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) na Letran College at ng may hawak ng titulo ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na Adamson University ang mga koponang kalahok sa kauna-unahang juniors tournament ng Pinoyliga Cup ngayong Linggo, Oktubre 13, 2024, sa Enderun Colleges gym sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City.
(Larawan mula sa Pinoyliga Facebook Page)
Labingapat na koponan ang maglalaban-laban sa juniors category, kung saan mayroon na rin silang mga labanan para sa Collegiate Cup, Alumni Cup, women's tournament at ang Next Man Cup para sa Team B ng iba't ibang eskwelahan.
Sinabi ni Pinoyliga Cup tournament director Benny Benitez na nilalayon ng ligan a maihatid sa mga manonood ang mahusay na laro ng basketball sa lahat ng lebel.
"During our initial tournament we had the Alumni Cup, then we followed it up with the Collegiate Cup. We introduced the Next Man Cup and gave the women's side another avenue where they can showcase their skills. Now we are providing the juniors division (under-19) a pre-season league where they can improve before they play for their respective leagues," ang pahayag ni Benitez.
Paghihiwalayin sa dalawang grupo ang 14 na koponan kung saan ang nasa Prime Group ay ang Adamson Baby Falcons, University of Perpetual Help Junior Altas, San Sebastian Staglets, University of Santo Tomas Tiger Cubs, Ateneo Blue Eaglets, La Salle Greenies at University of the East Junior Warriors.
Ang nasa Edge group naman ay ang Letran Squires, National University Bullpups, Far Eastern University Baby Tamaraws, Mapua Red Robins, at ang San Beda Red Cubs.
Pinoyliga Cup Juniors Tournament, Umpisa na Ngayong Oktubre 13, 2024 sa Enderun Colleges Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: