Piso ang itinaas sa presyo ng gasolina kada litro ngayong Enero 7, 2025.

Ang diesel naman ay tumaas ng piso at apatnapung sentimo kada litro, samantalang ang kerosene ay umangat din sa piso ang kada litro nito.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Noong isang linggo, nasa P57.00 na hanggang P69.78 kada litro ang presyo ng gasolina samantalang ang diesel ay nasa pagitan ng P55.05 hanggang P57.00.

Sinabi ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau (OIMB) na ang pagtataas ng presyo ng mga produktong eptrolyo ay dahil pa rin sa giyera sa Gitnang Silangan.

May kontribusyon din ang taglamig dahil mas tumataas ang pangangailangan sa petrolyo na pang-init sa Estados Unidos at Europa.

Dagdag pa rito ang pagbabawas ng OPEC + ng produksyon nito ng 2.2 milyong bariles kada araw hanggang sa Abril.

Samantala, ang palitan ng dolyar sa piso nitong Enero sais ay P58.27.