Signal number 3 na sa pitong lalawigan sa Luzon habang papalapit sa pagbagsak sa lupa ang bagyong Nika (international name: Toraji).

News Image #1


Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kabilang sa mga nasa ilalim ngayon ng signal number 3 ay ang mga sumusunod:

* Isabela
* Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong)
* Hilagang bahagi ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Maddela, Saguday)
* Kalinga
* Mountain Province
* Ifugao
* Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

Ang bagyo ay nasa 265 kilometro silangan ng Baler, Aurora kagabi ng alas 10:00, Nobyembre 10, 2024 (15.6°N, 124.1°E).

Dala nito ang hanging may lakas na 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 135 kilometro kada oras at may central pressure na 980 hPa.

Ang pagkilos nito ay patungong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

News Image #2


Sinabi ng PAGASA na malaki ang posibilidad na marating ng bagyong Nika ang typhoon category sa loob ng 12 oras at ang pinakamalakas na hangin nito ay aabot sa 130 kilometro kada oras.


Ang napakalakas na hangin nito ay sumasakop sa 340 kilometro malapit sa gitna.

News Image #3



Nakataas naman ang signal number 2 sa:

* Ilocos Norte
* Ilocos Sur
* La Union
* Hilaga-katimugang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)
* Apayao
* Abra
* Benguet
* Ang hilaga-kanluran, gitna at katimugang bahagi ng Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Rizal, Piat, Tuao, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita)
* Nalalabing bahagi ng Quirino
* Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
* Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
* Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)

Signal number 1 naman sa:

* Nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
* Nalalabing bahagi ng Pangasinan
* Nalalabing bahagi ng Aurora
* Tarlac
* Hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
* Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
* Pampanga
* Bulacan
* Metro Manila
* Rizal
* Silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)
* Silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, Buenavista, Pagbilao, Infanta, Lopez, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kasama ang Polillo Islands
* Camarines Norte
* Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Ocampo, Goa, Lagonoy, Milaor, Caramoan, Cabusao, Camaligan, Pili, Sipocot, Tigaon, Garchitorena, Ragay, Magarao, Del Gallego, Libmanan, Naga City, Calabanga, Bombon, Canaman, San Jose, Presentacion, Gainza, Lupi)
* Catanduanes

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at lumikas agad kung kinakailangan lalo na sa mga tinamaan ng mga nakaraang bagyo na dadaanan ngayon ng Bagyong Nika.

Matindi ang ulan na dala ng bagyong Nika lalo na sa nakataas na sa signal number 3, ayon sa PAGASA.



Posibleng bumagsak sa lupa ngayong umaga o hapon, Nobyembre 11, ang bagyong Nika sa Isabela o sa hilagang Aurora.

"Regardless of the position of the landfall point, it must be emphasized that hazards on land and coastal waters may still be experienced in areas outside the landfall point or forecast confidence cone. The tropical cyclone will then traverse the landmass of mainland Luzon and emerge over the West Philippine Sea tomorrow evening," ang pahayag ng PAGASA.

Makalipas ito ay magpapatuloy ang bagyong Nika sa pagkilos patungong kanluran hilagang kanluran sa karagayan at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes, Nobyembre 12, ng hapon.

(Mga larawan mula sa PAGASA)