Pitong mga wanted na dayuhang pugante ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa isang operasyon sa Las Pinas City habang nagpapatakbo umano ng online gambling hub sa Pilipinas na nanloloko ng mga kliyente.

Subalit hindi lamang ang kanilang ilegal na operasyon ang dahilan ng kanilang pagkakaaresto kung hindi dahil may warrants of detention ang mga dayuhang ito sa kanilang mga bansa.

Ang apat na Chinese nationals at tatlong Taiwanese nationals ay may warrants of detention na ipinalabas ng Public Security Bureau sa China at Taoyuan and Taichung District Prosecutors Office sa Taiwan. Idiniretso sila ng PNP sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

News Image #1


Napag-alaman na ang mga Chinese nationals na sina Zhang Quanbao aywanted sa contract fraud, Song Tianming ay wanted naman dahil sa drug trafficking, Yu Liming ay wanted sa telecom fraud, at Liu Jianxin ay wanted naman sa pagnanakaw.

Ang tatlo namang Taiwanese na sina Li Yi Liang, Huang Hsin-Chiang, at Lin Yue Hong ay wanted dahil sa panloloko at pananakit.

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)