May biyahe pa rin ang Philippine National Railways (PNR) sa kabila ng pagsasara ng ruta nito sa Metro Manila habang ginagawa ang North-South Commuter Railway o NSCR.
(larawan ni Tongco JM)
Simula noong Lunes, Abril 1, 2024, buma-biyahe nang muli ang PNR mula Lucena, Quezon Province hanggang Calamba, Laguna at balikan.
Ang biyaheng Calamba - Lucena ay 5:45 ng hapon samantalang ang biyaheng Lucena - Calamba ay 5:00 ng umaga.
Mayroon ding biyaheng Naga hanggang Sipocot, Camarines Sur ng 5:20 ng umaga at 10:40 ng umaga.
Ang pagbalik naman mula sa Sipocot patungong Naga ay 6:40 ng umaga.
Mayroon ding biyaheng Naga patungong Legazpi, Albay ng 5:38 ng umaga at ang Legazpi pabalil ng Naga ay 5:45 ng umaga.
Samantala, nangangailangan ang PNR ng mga dagdag na tauhan. Nasa art cards sa ilalim ang kanilang kinakailangan:
(Larawan mula sa PNR)
PNR, Nagba-Biyahe pa rin sa South Luzon at Bicol, Nangangailangan din ng Dagdag na Tao | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: