(Screenshot mula sa panayam nina Jayson Pulga at Dexter Terante ng Taguig.com)
Personal na isinabit ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang medalya kay Nartatez na itinalaga nitong bagong Deputy Police Chief for Administration, ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.
Si Nartatez ay itinalagang NCRPO Chief noong isang taon at sa ilalim ng kanyang pamamahala at naparusahan ang 1, 139 na tauhan ng NCRPO na nagkasala at 458 naman ang natanggal sa tungkulin.
Pinalitan siya simula kahapon ni Police Major General Sidney Herrera na dating pinuno ng PNP Anti-Cybercrime Group makaraang itaas ng posisyon ang dating NCRPO Chief.
Sa panayam ng media, kabilang sina Jayson Pulga at Dexter Terante ng Taguig.com, nagbigay ng pinakahuling balita si Nartatez kaugnay ng katatapos lamang na filing ng Certificate of Candidacy sa National Capital Region na sinabi niyang sa pangkalahatan ay naging mapayapa.
(Video interview nina Jayson Pulga at Dexter Terante)
Dumalo sa seremonya ang ina ni Nartatez na 35 taon na ring nananatili sa Estados Unidos.
Kabilang din sa sumaksi ang pamilya ni Nartatez at ang Philippine Military Academy Class of 1992.