May bago nang hepe ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa katauhan ni Major General Sidney Hernia

News Image #1

(Screenshot mula sa panayam nina Jayson Pulga at Dexter Terante)

Sa turnover of command na isinagawa sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon, Oktubre 9, 2024, inilipat ni Major General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang pamumuno ng NCRPO kay Hernia makaraang ma-promote ito bilang Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police (PNP), ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.


(Video nina Jayson Pulga at Dexter Terante)

Sa isinagawang panayam ng media, kabilang ang Taguig.com, sinabi ni Hernia na marami siyang plano sa NCRPO kabilang ang pagmomodernisa ng kanilang pagkilos laban sa krimen at paggamit ng mg teknolohiya para rin mamonitor ang mga tauhan nito habang nasa duty.

Sinabi rin ni Hernia na kailangang balanse sa pagtugon sa mga ginagawa ng mga pulis.

"Kung mabilis tayong magbigay ng kaparusahan sa mga nagkakasalang pulis, dapat ganoon din tayo kabilis magbigay ng reward sa magagandang ginagawa ng mga pulis. But expect that the new leadership of the NCRPO will be as decisive as the previous regional director," ayon kay Hernia.

"Aminado tayo diyan na kailangang linisin pa ang ating organization. Hindi pa tayo perfect organization," dagdag pa ni Hernia sa katanungan kung magpapatupad siya ng paglilinis sa hanay ng NCRPO tulad ng ginawa ng dating NCRPO Chief.

Si Hernia ay dating direktor ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG).