P674, 000 halaga ng mga gadgets at cash ang natangay mula sa 12 miyembro ng isang kilalang choir sa bansa habang nagtatanghal ito sa Shangri-La The Fort sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Oktubre 23, 2024.

Ayon sa post ng Kammerchor Manila sa kanilang Facebook Page, nawala ang iPads, laptops, cellular phones at cash ng 12 sa kanilang miyembro habang nagtatanghal sa function room na nasa tapat ng Capiz Room sa ika-apat na palapag ng hotel kung saan iniwan nila ang kanilang gamit.

News Image #1

(Larawan mula sa Facebook Page ng Kammerchor Manila)

"Last October 23, around 3 PM during our gig at Shangri-La, The Fort in BGC, THOUSANDS worth of gadgets and cash (including iPads, laptops, and phones) were stolen from the "secured" holding area. We tracked the stolen items and found them in Pampanga. While we trusted the venue, this unfortunate incident reminds us to stay cautious," batay sa post ng Kammerchor Manila sa kanilang Facebook Page.

Ayon pa sa grupo, 10 hanggang 15 minuto lamang sila nawala para sa kanilang unang awitin. Nang bumalik sila sa holding room sa Capiz Room, wala na ang kagamitan ng 12 nilang miyembro.

Sinabi naman ng pamunuan ng Shangri-La The Fort na nalaman na nila ang nangyayaring pagnanakaw at nakikipag-ugnayan na rin sila sa pulisya. Tiniyak pa nitong mahigpit ang kanilang seguridad sa hotel at sa kapaligiran nito.

Pinayuhan naman ng Kammerchor Manila ang mga kapwa nila nagtatanghal na mag-ingat kapag sila ay may mga pagtatanghal.

"As it's gig season, please ensure you secure your belongings before every performance, no matter the location. Let's all remain vigilant and look out for one another. Stay safe," ang post ng Kammerchor Manila sa kanilang Facebook Page.

Noong Oktubre 18, 2024, nagtanghal din ang Kammerchor Manila sa pag-iilaw ng malaking Christmas Tree sa SM Aura sa BGC, Taguig City.

News Image #2

(Larawan mula sa Kammerchor Manila FB page)