Tataas na naman ang presyo ng diesel at kerosene simula bukas, Nobyembre 5, 2024, subalit bahagya namang bababa ang presyo ng gasolina.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Sa pinakahuling anunsyo ng mga kumpanya ng petrolyo, ang diesel ay tataas ng P0.75 kada litro at ang kerosene naman ay tataas ng P0.50 kada litro.

Ang gasolina naman ay bababa ng P0.10 kada litro.

Sinabi ni Rodela Romero, direktor ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, na ang pagtataas ay bunga ng positibong pananaw sa pangangailangan sa petrolyo ng Estados Unidos, ms mahigpit na suplay ng petrolyo sa Asya at ang giyera pa rin sa Gitnang Silangan.

Noong isang linggo, nagtaas ng presyo ang gasolina ng P0.20 kada litro at ang diesel at kerosene naman ay nagtaas ng P0.50 kada litro.

Sa ngayon, ang year-to-date adjustment ng gasolina ay nasa P8.75 kada litro na at ang diesel ay P6.55 kada litro.