Nobyembre 19, na magtatagal hanggang sa susunod na Lunes, Nobyembre 25, 2024.

Nagbawas ng P0.85 ang presyo ng gasolina samantalang P0.90 naman ang ibinawas sa presyo ng kerosene.

Gayunman, tumaas ang presyo ng diesel ng P0.75 kada litro.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Sinabi ni Rodela Romero, direktor ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau, mas bumaba ang pangangailangan para sa mga produktong petrolyo batay na rin sa pagtataya ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at mga kaalyado nito kasama ang Russia.

Ibinaba rin ng US Energy Information Administration ang 2025 crude price forecast nito dahil inaasahang tataas ang produksyon ng langis.

Samantala, bumababa ang halaga ng piso sa dolyar. Kahapon, Nobyembre 19, 2024, ito ay nasa P58.81 sa bawat $1.