Muling magtataas ng presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo makaraan ang rollback sa linggong ito.

News Image #1


Batay sa apat na araw na trading prices sa Mean of Platts Singapore, ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene ay posibleng tumaas ng mula P1.10 hanggang P1.50 kada litro.

Sinabi ng Department of Energy na ang mataas na demand para sa crude oil at ang panganib ng pagbaba ng suplay mula sa Gitnang Silangan bunga na rin ng kaguluhan dito, ang mga dahilan ng pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo,

Gayundin, ang pagtaas ng stockpile ng US crude at ang pagkabalam ng paglalayag ng produktong petrolyo sa Red Sea at Suez Canal ang nagpapataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.


Batay sa pagtaya ng Organization of Petroleum Exporting Countries, magkakaroon pa ng mas matinding pangangailangan sa langis sa taong ito. Ang global oil demand ay lalaki ng 2.2 milyong bariles kada araw.


Noong nakaraang Martes, ibinaba ang gasolina sa P0.60 kada litro, ang diesel sa P0.10 kada litro at angt kerosene naman sa P0.40 kada litro.

Malalaman ang pinal na adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Lunes at iimplementa naman ito sa Martes, Pebrero 20, 2024.

(Larawan ni Vera Victoria)