Inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ang tinatayang pagbaba ng presyo ng gasolina ay nasa pagitan ng P1 hanggang P1.20 kada litro, sa diesel naman ay P0.40 hanggang P0.60 kada litro at sa kerosene ay nasa P0.45 hanggang P0.65 kada litro, ayon sa DOE - Oil Industry Management Bureau Assistant Director na si Rodela Romero.
Ang paglaki muli ng imbentaryo ng langis ng US (United States), pagtaas ng produksyon ng langis nito at ang pagbagal ng pangangailangan sa mundo ang dahilan ng rollback.
Noong nakaraang Martes, ang presyo ng gasolina ay itinaas ng P0.75 kada litro, ang diesel naman ay P1.50 kada litro at ang kerosene ay nasa P0.75 hanggang P0.80.
Malalaman ang pinal na presyo ng rollback sa Lunes.
(Kuha ni Vera Victoria)
Presyo ng mga Produktong Petrolyo, May Rollback sa Susunod na Linggo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: