Bukas na ang Events Hall ng Philippine Stock Exchange (PSE) sa Bonifacio Global City sa Taguig. Ito ang nagsisilbi ngayong lugar para sa mga seremonya sa paglilista sa initial public offering, follow-on offering at stock rights offering at gayundin sa iba pang okasyong may kinalaman sa capital market.

Sa pagdalo ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno sa seremonya ng pagbubukas ng Events Hall ng PSE, sinabi nitong "there's much work left to be done to further deepen our capital markets and solidify the Philippine stock market as a platform for equity financing and long-term growth. Rest assured that the Philippine government is committed to cementing our place as one of the most dynamic emerging markets in the region."

News Image #1


Samantala, magsasagawa ng taunang pagpupulong ang mga stockholders ng DITO-CME Holdings Corporation sa Hulyo 5, 2023, alas dos ng hapon sa pamamagitan ng videoconferencing sa kanilang tanggapan sa Udenna Tower sa Bonifacio Global City, Taguig.

Bukod sa eleksyon ng mga direktor, kasama ang independent directors, tatalakayin ang pag-apruba sa pagsasanib ng DITO-CME Holdings Corporation at ang wholly-owned subsidiary nitong Udenna Communications, Media and Entertainment Holdings, Inc.

Tatalakayin din ang pag-apruba sa pagpapalabas ng shares kaugnay ng equity offering, private placement, top-up placement o katulad na transaksyon na idedetermina ng Board of Directors.