Isang pulis at dalawang iba pa ang naaresto sa isang entrapment operation sa Taguig City makaraang mapag-alamang may kinalaman ang mga ito sa ilegal na bentahan ng mga armas.

News Image #1


Sa isang operasyon na isinagawa ng Southern Police District (SPD) Special Operations Unit sa Acacia Street sa Barangay Cembo, Taguig City noong Hulyo 2, 2024 ng alas 3:40 ng hapon, nagpanggap ang ahente ng pulisya na bibili ng armas sa babaeng si alyas Bobby Lewis, 28 taong gulang.

Isang impormante ang nag-ulat sa pulisya ng ilegal na aktibidad ni alyas Bobby Lewis at mga kasamahan nito sa Makati City at Taguig City.

Nang mailabas na ang mga ilegal na armas na ibinebenta, inaresto ng SPD Special Operations Unit sina Bobby Lewis, isang alyas John na 34 taong gulang at alyas Gary, isang pulis na 34 na taong gulang.

News Image #2

News Image #3

News Image #4


Si alyas Gary, ang pulis, makaraan ang beripikasyonm ay napag-alamang naaresto na rin noong 2021 para sa kasong Alarm and Scandal.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang Rifle Defense M16 First SAMCO Modified Color na may serial number RP122190 na may lamang 30 live ammunition, isang Glock 17 Gen 4 na may serial number AFP058637 at may nakalagay pang AFP logo at may lamang 17 live ammunition, isang Arms Moravia Czech Republic na may serial number 613319 at may lamang 10 live ammunition, isang tennis bag na ginamit sa transaksyon, isang Yamaha NMAX motorcycle na walang plate number, tatlong mobile phones ng mga inarestong suspek, at isang PNP Identification Card na nasa pangalan ni alyas Gary.

Nakumpiska rin ang dalawang ₱1,000.00 bills na nasa ibabaw ng boodle money na ginamit sa transaksyon.

Ang mga inarestong suspek at ang mga ebidensiya ay dinala sa Special Operations Unit Office ng SPD para sa dokumentasyon at paghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

(Mga larawan mula sa SPD)