Makikita ang daan-daang bulalakaw ng Quadrantid sa kalangitan ng Pilipinas ngayong madaling araw ng Enero 3, 2025.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang Quadrantid Meteor Shower ay magsisimulang Makita ng sunod-sunod - tinatayang 100 hanggang 200 na bulalakaw bawat oras - ngayong ala 1:10 ng madaling araw.

News Image #1

(Larawan mula sa Philippine Astronomical Society, Inc.)

Kailangan lamang na madilim ang lugar, at malayo sa mga ilaw ng siyudad, para masaksihan ng mabuti ang pag-ulan ng mga bulalakaw.

Ang pinakamataas na aktibidad nito ay sa ganap na alas 5:00 ng umaga hanggang alas 5:56 ng umaga.

Ang Quadrantid ay aktibo simula pa noong Disyembre 26, 2024, at mananatiling aktibo hanggang sa Enero 12, 2025.

Habang umiikot ang Daigdig sa araw ilang beses sa isang taon, dumadaan ito sa iniwan ng mga dumadaang kometa o asteroids. Ang Quadrantids ay nagmula sa mga bahagi ng asteroid 2003 EH1.