Maaari nang magparehistro sa Venice Grand Canal Mall sa McKinley Hill Drive, Taguig ang mga bagong botante sa Marso 4 hanggang 9 at Marso 11 hanggang 16, 2024 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

News Image #1


Hindi lamang mga Taguigeño ang puwedeng pumunta at magparehistro rito kung hindi maging ang mga nakatira sa labas ng Taguig, ayon sa Commission on Elections - Taguig Office.

Ang pagpaparehistro sa Venice Grand Canal Mall ay bahagi ng Register Anywhere Program (RAP) ng Komisyon ng Halalan.

Nilalayon nitong mas mapadali ang pagpaparehistro ng bawat mamamayang Pilipino kahit saan man naroon sa Pilipinas.

(Larawan mula sa Comelec - Taguig)