Makaraang makatanggap ng mga reklamo tungkol sa discount na hindi naibibigay ng ilang establisamyento sa mga senior citizens, inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na nila sakop ang mga reklamo sa mga establisamyentong tumatangging ibigay ang 20% discount at ang hindi dapat na pagpapataw ng 12% Value Added Tax sa mga senior citizens

News Image #1


Ayon kay Asst. Secretary Amanda Nograles ng DTI Consumer Protection Group, ito ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) at ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Nilinaw ni Nograles na ang kanilang pangunahing mandato ay nakakasakop lamang sa mga special discount sa mga pangunahing bilihin at pangangailangan.

"The role or the primary mandate of the DTI is on the selling of BNPCs (Basic Necessities and Prime Commodities), the 5 percent special discount. To clarify, the 20 percent discount and VAT exemption of the senior citizens are actually under the OSCA and NCSC, for example, buying in drug stores or in other establishments," ayon kay Nograles.

Sinabi ni Nograles na nakatanggap ang departamento ng may 136 na reklamo kaugnay ng mga establisamyentong tumatangging ibigay ang 5% special discount sa mga senior citizen sa mga BNPC sa mga grocery stores at supermarkets.

Ang 5% special discount sa basic commodities at ibinibigay rin sa mga persons with disabilities (PWDs) kung saan maaari silang maka-discount sa bibilhing produkto para sa kanilang personal at pansariling pangangailangan na aabot sa P1, 300 bawat linggo.

Kabilang sa mga nasa listahan ng pangunahing pangangailangan ay ang:

• Canned sardines at iba pang marine products
• Processed milk
• Coffee
• Laundry soap
• Detergent
• Bread

Ang mga nasa listahan naman ng prime commodities ay ang:

• Flour
• Canned pork, beef, at poultry meat
• Noodles
• Toilet soap
• Paper, school supplies

(Larawan mula sa Philippine News Agency)