Ibinasura ng Office of the City Prosecutor of Taguig ang mg reklamong illegal detention at grave coercion laban kay Taguig City Mayor Lani Cayetano at ilang mga opisyal ng lungsod kaugnay ng pagkakasara ng Makati Park and Garden noong Marso, 2024.
Sa 14 na pahinang resolusyong inilabas noon pang Agosto 2, sinabi ng prosecutor na wala silang nakitang supisyenteng ebidensya laban sa mga akusado kaya't ibinasura na nila ng mga reklamo laban sa alkalde at kina City Administrator Jose Luis Montales, Business Permits and Licensing Office Head Maria Theresa Veloso, Traffic Management Office Head Danny Cañaveral, at iba pang hindi kinilalang indibidwal.
Ang reklamo ay iniharap sa korte nina Salvador C. Palisa, Ryalyn B. Almazar, Joven P. Mediavillo, at Salvador Mercado, mga empleyado ng Makati City Government, sa insidente sa Makati Park and Garden and the Makati Aqua Sports Arena (MASA) noong Marso 1 hanggang 3, 2024, kung saan nakulong diumano sila sa naturng lugar nang ipasara ito ng Taguig City Government dahil sa kawalan ng permiso para makapg-operasyon mula sa pamahalaang lungsod ng Taguig.
Nang pag-aralan ng Office of the City Prosecutor ang reklamo. Sinabi nitong ang alegasyon ng mga nagreklamo ay hindi napatunayan na may krimeng naganap.
(Mga larawan ni Dexter Terante ng Taguig.com)
Reklamo Laban kina Mayor Cayetano at iba pang Opisyal ng Taguig Kaugnay ng Pagkakasara ng Makati Park and Garden, Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: