Pinasimple ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang renewal ng business permit at paglilisensya sa mga negosyo sa Taguig City sa pamamagitan ng Business One-Stop Shop o BOSS.
Ang renewal ng business permit at pagbabayad ng buwis sa negosyo para sa taong 2025 ay mula Enero 2 hanggang Enero 20, 2025, mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon, kahit Sabado at Linggo.
Tatlong hakbang lang ang gagawin ng mag-re-renew ng kanilang business permit: isumite ang kumpletong aplikasyon na kasama ang mga dokumentong kinakailangan, tatanggap ng notice of assessment mula sa City Treasurer's Office at babayaran ang buwis at iba pang bayarin, at saka kukunin na ang business permit.
Dalawang lugar ang BOSS ng Taguig City at ang mga ito ay sa SM Aura Satellite Office na nasa 9th Floor, Taguig City Hall Satellite, SM Aura Tower, 26th Street McKinley Parkway, Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City.
Gayundin sa Convention Center ng New City Hall Building sa Cayetano Blvd., Barangay Ususan, Taguig City.
Kung hindi makakapunta ng personal sa mga naturang tanggapan, maaari ring mag-renew ng business permit online sa pamamagitan ng pag-login at pagrehistro ng kanilang negosyo sa eservices.taguig.gov.ph.
Gayunman, ang tatanggapin lamang online sa ngayon ay ang mga renewal ng business permits. Suspendido pansamantala ang online services para sa mga bagong business application o mga pag-a-amyenda sa naunang aplikasyon sa business permit.
Maaari namang magbayad ng kanilang buwis at iba pang bayarin sa pamamagitan ng cash, credit/debit card, GCash, Maya, at manager's or cashier's checks (na nakalagay na payable to the order of the City Treasurer of Taguig).
Para sa karagdagang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Business Permits and Licensing Office
• SM Aura Satellite Office: 7795-9999 loc. 104
• City Hall Office: 7795-8874 | [email protected]
City Treasury Office
• 0961 704 4050
• 0961 698 8977
• [email protected]
(Mga larawan mula sa Taguig City PIO)
Renewal ng Business Permit sa Taguig, Mula Enero 2 Hanggang 20, 2025 Kasama ang Sabado at Linggo; Mayroon din Online | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: