Isang retiradong miyembro ng Philippine Marines ang inaresto makaraang manutok ng baril sa isang road rage incident sa Colonel Bravo Street, Signal Village, Taguig City noong Disyembre 1, 2024.

News Image #1

(screenshot ng mapa sa Google)

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, napag-alaman na hinarangan ng suspek ang isang sasakyan at nainis ito nang bumusina ng mahaba ang sakay ng hinarangan nitong sasakyan.

News Image #2

(larawan mula sa Taguig City Police)

Nagkasagutan ang suspek at ang biktima hanggang sa itutok ng suspek ang dala nitong baril sa biktima.

Nakuhanan sa cellphone ng mga kasama ng biktima ang pangyayari at inupload ang video sa social media.

Ito ang naging daan para matukoy ng pulisya ang suspek at inaresto ito. Nakumpiska sa lalaki ang isang kalibre 45 baril na may laman pang pitong bala.

Sinampahan na ng kasong grave threat at illegal possession of firearms ang naturang suspek ng Taguig City Police.

Kasalukuyan na itong nakadetine sa Taguig City Police station.