Ibinaba na sa P38.00 kada kilo ang presyo ng bigas na dati ay P40.00 kada kilo sa ilalim ng Rice for All program ng pamahalaan.
Ilang mga Kadiwa stores ang nagbebenta na ngayong araw na ito ng bigas sa mababang halaga. Ang bigas ay well-milled na 25% broken na maaaring inangkat o lokal ang pinanggalingan. Ang naturan ding bigas ay unang ibinenta sa pamilihan sa halagang P45.00 kada kilo.
Mayroon ding sweet rice na ibinebenta ng P36.00 kada kilo at mayroon ding ang halaga ay P29.00 subalit ibinebenta lamang sa mga pinakamahirap na sektor.
Hiniling ng Department of Agriculture sa mga local government units na tulungan silang maibenta rin ang murang bigas sa kanilang mga lokal na pamilihan.
(Mga larawan ng Taguig.com)
Rice-for-All: Bigas, Ibinaba ng Pamahalaan sa P38.00 Kada Kilo Mula P40.00 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: