Arestado ng Taguig City Police ang isang rider na may kasong carnapping.
Ang 41 taong gulang na rider na kinilala lamang sa alyas na Jonald, ang number 3 most wanted person sa Taguig City.
(Larawan ng Taguig City Police)
Nahuli si Jonald sa Barangay Calzada Tipas noong Enero 6, 2025 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Assisting Judge Jonathan Honorato Del Mar Lock ng Taguig City Regional Trial Court Branch 267 noong Disyembre 13, 2024 sa kasong paglabag ss Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.
May inirekomenda ritong piyansa na P300,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Rider na may Kasong Carnapping, Laglag sa Kamay ng Taguig City Police | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: