Nagpalit pa ng plaka ng kanyang Mercedes Benz ang bumaril at nakapatay sa isang driver ng Toyota Innova sa may Ayalq Tunnel, Makati, nang maaresto ito ng kapulisan sa bahay nito sa Riverside Village, Pasig City kahapon ng umaga, Mayo 29, 2024.

News Image #1


Positibo sa paraffin test si Gerard Raymond Yu, 36 taong gulang, at nakita sa bahay nito ang itim na Mercedes Benz na pinalitan ang plaka.

News Image #2


Nakuha ng mga otoridad ang dalawang kalibre .40 na baril at ang itim na Mercedes Benz na may nakalagay na plakang DAD 9670 at ang plakang BCS 77 na nasa loob ng sasakyan.

Nag-match ang nakuhang Taurus caliber .40 na baril sa bahay ni Yu sa na-rekober na basyo ng bala sa crime scene.

Ayon sa pulisya, nanggaling sa BGC, Taguig ang Toyota Innova na may plakang NCV 542 at minamaneho ng family driver na si Aniceto Mateo, 65 taong gulang, nang makagitgitan nito si Yu sa bahagi ng Kalayaan - Edsa.

News Image #3


Hinabol umano ni Yu si Mateo sa may Ayala Tunnel at saka binaril ang driver na ikinasawi nito.

Ang bala ay pumasok sa likod ng kanang balikat ni Mateo at lumabas sa kaliwa ng leeg nito na naging dahilan ng dagliang kamatayan nito.

News Image #4


Ligtas naman ang pasahero ni Mateo na si Marites Valmorio, 47 taong gulang at isang bata na pauwi sa kanilang bahay sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City.

Sa pagharap ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos sa suspek sa media, sinabi nitong kakasuhan ng murder ang suspek.

(Larawan mula sa PNP)