Nag-uwi ng mga medalya ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga estudyante ng Taguig City sa RoboWorld Cup 2023 ng Federation of International Sports Association (FIRA) na isinagawa sa Wolfenbuttel, Germany noong Hulyo 17 hanggang 21.
Gintong medalya ang naiuwi ni George Lean Tizon, estudyante ng Taguig, sa individual awards para sa Cliffhanger Heavyweight Category, at pilak na medalya naman para sa Mission Impossible United Countries.
Si Gilleene Jazz Luyun naman ay nanalo ng dalawang silver medals sa Cliffhanger Heavyweight category at Mission Impossible United Countries, at isang tansong medalya sa Cliffhanger All-round Heavyweight category.
Ang isa pang estudyante ng Taguig na si George Angelo Tizon ang nag-uwi ng dalawang silver medals sa Mission Impossible United Countries at Cliffhanger All-round Heavyweight category, at isang tansong medalya sa Cliffhanger Heavyweight category.
Ang buong Cayetano Science Robotics Team, na kumatawan sa Pilipinas ang nagwagi ng silver medal sa kategoryang Cliffhanger Missions Heavyweight.
Ang bawat delegado ay hinamon na gumawa ng kanilang sariling robot sa mismong kumpetisyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga scrap na materyales mula sa mga junk shops. Ang mga robots ay pinaghamok sa mga sumo-wrestling type matches kung saan magwawagi ang makakapagtulak sa kalaban sa arena.
Sa isang pahayag ng Taguig City government, kanilang binigyang pugay ang mga matatalinong estudyante na bahagi ng Cayetano Science Robotics Team.
Pinasalamatan naman ng team ang Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School, Data Science and Technology Corporation at ang pamahalaang lungsod ng Taguig City, kasama na ang kanilang mga magulang at guro, sa suporta.
(Larawan mula sa Taguig City PIO)
Robotics Team ng Taguig, Wagi sa Germany | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: