Maganda ang pagsalubong sa Bagong Taon makaraang magpahiwatig ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Batay sa pagtataya ng industriya ng petrolyo sa nakaraang apat na araw na kalakalang pang-internasyonal, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na may maasahang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Narito ang inaasahang rollback ng presyo:
Gasolina - P0.30 hanggang P0.65 kada litro
Diesel - P0.30 hanggang P0.55 kada litro
Kerosene - P0.80 hanggang P0.90 kada litro

"This estimated adjustment is triggered by the IEA's (International Energy Agency) continued expectation of an oversupplied oil market in 2025 even if OPEC+ (Organization of the Petroleum Exporting Countries Plus) holds production steady or continues to delay the unwinding of its voluntary production cuts," ang pahayag ni Romero.

Sa darating na Martes, Disyembre 31, 2024, malalaman kung ano ang pinal na halaga ng ibababa sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Noong nakaraang linggo, itinaas ng mga kumpanya ng langis sa P1.45 kada litro ang diesel, P0.50 sa gasolina at P0.75 sa kerosene.