Bagaman at umuulan na sa iba't ibang bahagi ng bansa, hindi pa rin ito nakakawala sa matinding init na panahon bunga ng tag-araw na pinalala ng El Nino phenomenon.
Ngayong Mayo 15, 2024, ang Taguig City at ang katimugang bahagi ng Metro Manila ay nasa dangerous heat index na 43 degrees Celsius.
(Larawan ni Dek Terante)
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinakamainit ngayong Mayo 15 sa Dagupan City, Pangasinan na ang heat index ay aabot sa 47°C. Sa CBSUA-Pili, Camarines Sur at Roxas City, Capiz naman ay nasa 46°C. Tatama ang heat index sa 45°C sa Bacnotan, La Union at sa Virac (Synop), Catanduanes.
Ang mga sumusunod na lugar naman ay nasa 44°C:
• MMSU, Batac, Ilocos Norte
• Aparri, Cagayan
• Alabat, Quezon
• Cuyo, Palawan
• Masbate City, Masbate
• Dumangas, Iloilo
• Catarman, Northern Samar
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Aabot naman sa 43°C sa:
• NAIA, Pasay City
• Tuguegarao City, Cagayan
• ISU Echague, Isabela
• Iba, Zambales
• Sangley Point, Cavite
• Ambulong, Tanauan, Batangas
• Coron, Palawan
• San Jose, Occidental Mindoro
• Puerto Princesa City, Palawan
• Aborlan, Palawan
• Iloilo City, Iloilo
• Catbalogan, Samar
• Butuan City, Agusan del Norte
Ang mga sumusunod na lugar naman na may instrument ay makakapagtala ng 42°C:
• Science Garden, Quezon City
• Sinait, Ilocos Sur
• Laoag City, Ilocos Norte
• Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
• Calapan, Oriental Mindoro
• Daet, Camarines Norte
• Legazpi City, Albay
• Mambusao, Capiz
• Guiuan, Eastern Samar
• Maasin, Southern Leyte
• Dipolog, Zamboanga del Norte
Ang Baguio City at Ka Trinidad, Benguet ay mababa lamang ang heat index na nasa 25°C.
Kahapon, Mayo 14, ang Dagupan City, Pangasinan ay umabot na ang heat index o pakiramdam ng init sa 49°C.
Sinabi naman ng PAGASA na nagsisimula na ang transisyon sa panahon ng tag-ulan ngayong mga panahon na ito ng Mayo.
Nagkaroon din ng pag-ulan ng yelo kamakailan sa Baguio at Quezon City.
Samantala, ang La Niña phenomenon naman ay maaaring lumakas sa huling bahagi ng 2024. Sa pag-aanalisa ng PAGASA, nasa 65% hanggang 70% na magsisimula na ang mahinang La Niña sa Hunyo, Hulyo at Agosto.
Ang La Niña naman ay may kinalaman sa mahigit sa normal na pagbagsak ng ulan.
Sa Kabila ng Pag-Ulan, Mataas Pa Rin ang Heat Index sa 37 Lugar sa Bansa, Taguig City nasa 43 Degrees Celsius Ngayong Mayo 15 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: