Magtataas ng toll fee ang North Luzon Expressway (NLEx) sa NLEx Connector na nag-uugnay sa 5th venue sa may Circumferential Road 3 (C3) sa Caloocan City patungong España Boulevard at Ramon Magsaysay Avenue sa Santa Mesa, Manila simula ngayong Oktubre 15, 2024.
(Larawan mula sa NLEX Corporation)
Tatlumpu't tatlong piso ang itataas sa singil sa Class 1 vehicles o mga regular na sasakyan at SUVs at magiging P119 na ito. Ang singil naman sa Class 2 o mga bus at maliit na trak ay magtataas ng P84 at magiging P299 na. At ang Class 3 naman o large trucks ay magtataas ng P116 o magiging P418 na.
Ang dating rates sa Class 1 ay P86 lamang, P215 sa Class 2 at P302 naman sa Class 3.
Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtataas ng bayad sa toll fee sa 8 kilometrong kahabaan ng NLEx connector.
Samantala, ang Federation of Free Workers (FFW) naman ay nagpahayag ng kanilang matinding pagtutol sa pagpapatupad ng kaparusahan sa mga motoristang hindi maayos ng radio frequency identification (RFID) tag o kulang ang load simula sa Enero ng susunod na taon.
"We strongly oppose the TRB's announcement that penalties for noncompliance will begin in January 2025. This move will unjustly burden motorists who are already grappling with rising living costs," ayon sa pangulo ng FFW na si Sonny Matula.
"Toll roads are essential for work and daily commutes, and this penalty adds unnecessary financial strain," dagdag nito.
Iginiit pa ni Matula, isa ring abogado, na may probisyon sa Civil Code na nagsasabing ang pera o legal tender ay kailangang tanggapin sa lahat ng transaksyon sa bansa.
"Even if a motorist has cash and is ready to pay, [he] will still be penalized for not having an electronic ID. This effectively devalues our legal tender, recognized by law, making cash transactions-using currency issued by the Central Bank-subject to penalties. It's both absurd and unacceptable," ayon kay Matula.
Sa mga Taguigeñong Dadaan sa NLEx Connector sa Maynila at Caloocan, Magtataas na ng Toll Fee Dito Simula Oktubre 15, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: