Sa mga Taguigeñong magtutungo sa Baguio City, ang pinakamaigsing ruta paakyat ng Baguio City, ang Kennon Road, ay isasara sa mga motorista dahil sa huminang pundasyon ng daan na bumigay nitong katapusan ng linggo.

News Image #1

(Larawan mula sa DPWH - Cordillera)

Ayon sa Department of Public Works and Highways sa Cordillera isang malaking bahagi ng daan sa Cap 2 sa Tuba, Benguet ang naapektuhan ng pagguho ng pundasyon.

Dahil sa pagsasara ng Kennon Road, ang mga motorista ay pinadadaan ngayon sa Marcos Highway at sa Asin-Nangalisan-San Pascual road.

Ang tuloy-tuloy nap ag-ulan ang dahilan ng paghina ng pundasyon at pagguho ng ilang bahagi nito. Sinabi rin ng DPWH-Cordillera na tumaas ang lebel ng tubig sa Bued River na nasa bahagi ng daang ito dahilan para lumambot ang lupa.

Sa ngayon ay isinasagawa na ang pagsasaayos ng naturang daan subalit hindi ito padadaanan sa anumang uri ng sasakyan.