Bilang selebrasyon ng ika-126 na taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo 12, 2024, dalawang aktibidad na magpapaalala sa pagmamahal sa ating bayan ang isasagawa sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Isang long slow distance (LSD) run ang sisimulan sa BGC hanggang makarating sa Kilometer Zero o Rizal Park sa Hunyo 12.

Mula alas 4:30 ng umaga ay sisimulan ang pagtakbo mula sa McDonald's BGC sa 40th Street hanggang marating ang Luneta Park sa Manila. May mga manggagaling din sa UP Diliman - Oblation at Amoranto Stadium sa Quezon City at sa Mall of Asian - Vikings sa Pasay City, at magkikita sa Luneta.

Nasa art card ang ruta ng tatakbuhan:

News Image #1

(Mula sa Swift and Fit Facebook Page)

Isa namang group exhibition na nakasento sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng art ang matutunghayan sa Galerie Joaquin sa Upper Ground Floor ng One Bonifacio High Street Mall, kanto ng 5th Avenue at 28th Street, BGC, Taguig ngayong Hunyo 12, 2024. Tatagal ang eksibisyon hanggang Hunyo 16, 2024.

News Image #2

(Mula sa Galerie Joaquin)

Kabilang sa mga artists na may mga gawang art na nagpapakita ng makulay at makasaysayang nakalipas ng Pilipinas ay sina Dominic Rubio, Juanito Torres, Richard Arimado, Almer Moneda, at Joemarie Sanclaria Chua.

Pinamagatang "Pilipinas," layunin nitong buhayin ang pagmamahal at dedikasyon sa bayan ng mga tutunghay sa mga likhang sining. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Galerie Joaquin at Likha ng Phinma Properties. Para sa mga nais magtanong, maaaring makipag-ugnayan sa +63 915 739 1549 o mag-email sa [email protected].