Dalawang babae at isang lalaki ang tumangay ng cash at mga kagamitan sa tatlong tindahan sa A. Bonifacio Barangay Upper Bicutan, Taguig City noong umaga ng Setyembre 11, 2024.

News Image #1


Ayon kay Mich Tayo, isang Taguig.com Group member, pumasok sa kanilang tindahan ang dalawang babae at nagturo nang nagturo ng mga kunwaring bibilhin habang nagsilbing look out naman sa labas ang isang lalaking kasama ng mga ito.

News Image #2


"Ang style po nila, lituhin ang bantay. Pinalista po nila ang lahat ng tinuro nila kasi babayaran na daw. Turo po sila ng turo, at pagkatapos ay tinakpan ang pera para hindi makitang dinudukot na nila," ayon kay Tayo.

News Image #3


Sinabi ni Tayo na natangayan sila ng P2, 000 cash at tatlong boxes ng mini fan. Ayon pa sa kanya, hindi lamang sila ang nanakawan ng araw na iyon, kung hindi ang dalawa pa nilang katabing tindahan sa A. Bonifacio.

Nakikiusap si Tayo sa kung sinuman ang makapagtuturo sa mga suspek ay ipagbigay-alam agad sa kanila at magbibigay sila ng reward.

(Screenshots mula kay Mich Tayo)