May siyam na araw pa para maranasan ang saya at sarap ng pamamasyal sa Christmas by the Lake ng Taguig sa TLC Park na nasa Lakeshore, C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Hanggang January 12, 2025 bukas sa publiko ang TLC Park kung saan makikita ang mga makukulay na ilaw, naggagandahang artworks, ang display ng mga gumagalaw na manekin at matitikman ang masasarap na pagkain habang namamasyal sa napakalaking parke ng Taguig.
Mayroon ding pagtatanghal ang mga Pilipinong mang-aawit kung saan mapapakinggan si Edward Fernandez tuwing Lunes, Miko Cadiz tuwing Martes, Edward Fernandez at Ana tuwing Miyerkules, Davey Langit tuwing Huwebes, Ms/Mr Sara tuwing Biyernes, Leggo tuwing Sabado at Six or Seven tuwing Linggo.
Libre ang pagpasok sa parke araw-araw hanggang sa Enero 12, 2025, mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi tuwing Linggo hanggang Huwebes at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi tuwing Biyernes at Sabado.
(Mga larawan ng Taguig.com)
Samantalahin ang Libreng Pamamasyal: Siyam na Araw Na Lang at Magsasara na ang Taguig Christmas by the Lake | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: