Pinarangalan ang mga pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga takas sa batas at may kinalaman sa ilegal na droga sa Seremonya ng Parangal sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Taguig City noong Nobyembre 20, 2024.

News Image #1


Bilang pagsusulong sa adhikain ng NCRPO "Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, Ligtas Ka," binigyang halaga ng seremonya ang mahusay na paggampan ng mga pulis sa kanilang tungkulin sa komunidad.


Kabilang sa pinarangalan sa kanilang magaling na pagtugis sa mga takas sa batas, binigyan ng Medalya ng Kagalingan sina Police Lt. Jerry Christian De Guzman ng Quezon City Police District (QCPD), Police Senior Master Sergeant Joel Olidan ng Northen Police District (NPD), Police Senior Sergeant (PSSg) Dominic Lappay ng Southern Police District (SPD), Police Senior Sergeant Katherine Joy Jose ng Manila Police District (MPD), Police Corporal Alfredo Solis, Jr ng Eastern Police District (EPD), at Patrolman Leonardo Turla ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

News Image #2


Ang mga pulis na pinarangalan naman dahil sa mahusay na pagganap sa kampanya laban sa ilegal na droga, binigyan din ng Medalya ng Karangalan sina PSSg Marvin Magalim ng SPD, PSSg Eric Reyes ng MPD, PSSg Najib Dimaporo ng QCPD, at Pat. Vincent DC Irece ng NPD.

"The awards reflect the NCRPO's steadfast commitment to fostering excellence, discipline, and integrity. By recognizing these outstanding efforts, the NCRPO encourages its members to uphold the highest standards in fulfilling their responsibilities. The honorees stand as shining examples of exemplary service, embodying the values and mission of the NCRPO," ang pahayag ng NCRPO.

Nakatulong din ang bukas na komunikasyon ng mga mamamayan sa kapulisan lalo na sa mga nawawalang tao at mga krimeng nagaganap sa kapaligiran ng Metro Manila.