Lumagda ang San Miguel Corporation (SMC) at ang Ayala Land Incorporated (ALI)sa isang integration agreement upang ikonekta ang rampa ng Arca South sa sistema ng Skyway sa pamamagitan ng bubuuing South East Metro Manila Expressway (Semme) o Skyway Stage 4 project.
Ang pagsasama ng dalawang kumpanya ay isang solusyon para sa episyenteng transportasyon at pagkakabit sa Metro Manila.
Lumagda sa kasunduan sina SMC President at CEO Ramon Ang, Ayala Corporation President Cezar Consing at ALI President at CEO Anna Maria Margarita Dy.
Sisimulan ang konstruksyon ng proyekto sa 2024 at magbibigay ng maayos na daan sa Skyway tungo sa Arca South.
Ang 32.66 na kilometrong Skyway Stage 4 ay magkokonekta sa Skyway system sa Arca South Taguig tungo sa Batasan Complex sa Quezon City.
Ang expressway ang magbibigay ng alternatibong daan mula sa katimugan hanggang sa silangang bahagi ng Metro Manila kasama na ang probinsya ng Rizal.
(Photo by Arca South)
San Miguel Corporation at Ayala Land Inc, Lumagda sa Kasunduan para sa Pagkokonekta ng Arca South at Skyway Stage 4 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: