Signal Number 3 na sa Santa Ana. Cagayan habang nadagdagan pa ang mga lugar na inilagay sa Signal Number 2 bunga ng lalong paglakas ng bagyong Marce at paglapit sa mga lalawigang nasa dulo ng Northern Luzon.

News Image #1


Namataan ang Bagyong Marce (nasa typhoon category) sa 305 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 315 km silangan ng Aparri, Cagayan (18.1°N, 124.6°E) kaninang alas 10:00 ng umaga, Nobyembre 6, 2024.

"MARCE is forecast to move generally west northwestward slowly today (6 November) over the waters east of Cagayan before gradually accelerating westward tomorrow (7 November) through Saturday (9 November) over the Babuyan Channel and the northern portion of the West Philippine Sea. On the forecast track, MARCE will make landfall and traverse Babuyan Islands or the northern portions of mainland Cagayan, Ilocos Norte, and Apayao or pass very close to these areas from tomorrow afternoon to Friday (8 November) early morning," batay sa pahayag ng PAGASA.

News Image #2


Ang hanging dala nito ay may lakas na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at my pagbugsong 185 kilometro kada oras. Ang central pressure ay 970 hPa. Kumikilos ito pakanluran hilaga-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras. Ang dala nitong napakalakas na hangin ay umaabot ng 460 km mula sa gitna.

Signal Number 3 na sa hilaga-silangang bahagi ng mainland Cagayan o sa Santa Ana.

Signal number 2 sa: Batanes, Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Cagayan (Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Lasam, Abulug, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Rizal, Santo Niño, Alcala, Amulung), at hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora, Kabugao).

Signal number 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Bokod, Atok), nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler).

(Mga larawan mula sa PAGASA)