Matagumpay na naisagawa ang Satellite Voter's Registration sa loob ng Taguig City Jail Male Dormitory kahapon, Agosto 19, 2024, upang ibigay ang karapatan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na makaboto sa darating na 2025 elections.

News Image #1


Kasama rin sa nakapagparehistro bilang mga botante ang pamilya ng mga PDL at ang mga tauhan ng Taguig City Jail Male Dormitory.

Pinangunahan ni Taguig City Jail warden Jail Superintendent Richard Kho ang rehistrasyon, katulong si deputy warden Jail Inspector Rolan Darum at si Atty. Edgar Feliciano Aringay, ang punong Election Officer mula sa Commission on Elections Comelec) - Taguig.

News Image #2


"The satellite registration of this facility was more than paperwork, it was a testament to resilience, compassion, and the belief that every voice matters, even within prison walls," ang pahayag ng pamunuan ng Taguig City Jail.

Samantala, ngayong araw na ito, Agosto 20, 2024. Ay nasa Metro Manila District Jail 2, 4 at 5 ang Comelec-Taguig para sa Satellite Voter's Registration.

Inanunsyo rin ng Comelec-Taguig na wala silang transaksyon sa Agosto 22, 23 at 24, 2024 dahil sa isasagawang team building at Gender and Development seminar. Muling babalik ang kanilang operasyon sa Vista Mall Parking Building Office ng Comelec-Taguig sa Agosto 26, 2024.

Sa Agosto 21, 2024 naman, ang Comelec-Taguig ay magtutungo sa Armed Forces of the Philippines Officers Village Association sa may Barangay Western Bicutan, para sa Satellite Voter's Registration doon.

(Photos from the Taguig City Male Dormitory)