First time na bumili sa Facebook Marketplace ang isang miyembro ng Taguig.com Group at buong akala niya ay makakamit ang pinakamimithing iPhone 12 mini sa mababang presyo.

Nagkasundo sila ng seller na si alyas Mark na ibebenta sa kanya ang mobile phone sa halagang P11, 000 kung saan magda-down payment siya ng P5, 000 at ang P6, 000 ay babayaran na lang nya sa delivery rider na magdadala ng phone.

News Image #1


Ayon sa biktima, pinadalhan siya ng larawan ng ibinebentang mobile phone kasama ang isang Unified Multi Purpose ID na may pangalan ng nagbebenta. (Tinakpan natin ang impormasyon dahil hindi natin natitiyak kung ito nga ay tunay na ID ng nagbebenta o isang fake o stolen identity.)

Ayon pa sa biktima, nagpakilala ang nagbebenta sa Facebook Marketplace na residente siya ng Avida Tower Condominium sa Bonifacio Global City, Taguig.

News Image #2


Nagpadala ang biktima ng halagang P5, 000 sa pamamagitan ng Pay Maya number na ipinadala ni alyas Mark nang makita niyang naka-book na para maideliver ang mobile phone.

News Image #3



Tumawag pa ang rider sa biktima para sabihing patungo na ito sa paghahatiran ng mobile phone.

News Image #4


Nagpadala rin ng larawan ang rider kasama ang ihahatid na mobile phone kaya't lalong naniwala ang biktima na lehitimo ang kanilang transaksyon.


News Image #5


Nang malapit na ang rider, biglang siningil ang biktima ni alyas Mark ng karagdagang P6, 000 bilang kabuuang bayad ng telepono.

News Image #6


Tumanggi ang biktima dahil ang usapan nila ay downpayment lamang ang ibibigay at saka na ang kabuuan ng bayad kapag nakuha na niya ang telepono.

News Image #7



Nagdahilan si alyas Mark na may iba pang bumibili ng telepono sa mas mataas na halaga kaya't pinabalik na lang diumano niyo ang rider dahil ayaw pumayag ng biktima na ipadala ang kabuuan ng bayad.

News Image #8


Nang binabawi na ng biktima ang pauna niyang bayad na P5, 000, binlock na siya ni alyas Mark at binura na rin nito ang post kaugnay ng mobile phone sa Facebook Marketplace.

News Image #9


Binura rin ni alyas Mark ang lahat ng mga larawan at iba pang ebidensya ng kanilang transaksyon sa kanilang chat.

Nakiusap ang biktima sa Taguig.com na tulungan siyang maipalaganap ang pangyayari sa pamamagitan ng paglahad ng kanyang karanasan.

"Sana po mapost nyo para hindi na makabiktima ng iba," ayon sa biktima.

Para sa mga biktima ng scam, tawagan ang mga numerong ito: hotline 1326 o ang sumusunod: 0947-714-7105 / 0966-976-5971 at 0991-481-4225.

(Photos supplied by the victim)