Isinagawa ng Embahada ng Hungary ang scholarship orientation para sa kanilang Stipendium Hungaricum ngayong taon sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ang Stipendium Hungaricum ay ang pinakamataas na higher education scholarship program ng Hungary na nag-aalok ng maraming mga kurso para sa mga matatalinong international students na mataas ang academic track record.

News Image #1

(Larawan ng Tempus Public Foundation)

Sinusuportahan ng scholarship ang pagiging international ng Hungarian higher education at ang patuloy na pag-develop nito upang mapalakas ang kanilang pakikipagrelasyong pandaigdig sa larangan ng akademiya at pagsasaliksik.
Ang programang sinimulan noong 2013 ay sinusubaybayan ng Ministry of Foreign Affairs and Trade at ng pinamamahalaan ng Tempus Public Foundation.

Pinangunanahan ni Hungarian Ambassador Titanilla Tóth ang scholarship orientation sa BGC at sinabing ang edukasyon ang nagbibigay ng kapangyarihan at lakas sa mga nakakamit ito.

"It creates knowledge, builds confidence, and breaks down barriers to opportunity. That is why Hungary established the Stipendium Hungaricum scholarship program which helps attract top international students from all around the world who can establish personal and professional links to Hungary and each other while enjoying high-quality education in the heart of Europe," ang pahayag ni Tóth.

Sa kasalukuyan ay may 90 sending partners ang nasa program ana nagmula sa limang kontinente, at nakakaakit ito ng mahigit sa 5, 000 international students sa bawat taon. Ang mga aplikante ay inaalok ng mahigit sa 800 full degree programs sa English, kung saan nasasakop ang lahat ng higher education fields sa lahat ng degree levels, kabilang ang part-time at doctoral courses.

Kabilang sa pangunahing limang larangan ng pag-aaral para sa taong 2024 hanggang 2025 na pinasok ng mga naaprubahang scholars ay ang Engineering Studies, Computer Science and Information Technology, Health Science, Economic Science, at Natural Science.

Ang mga Pilipinong alumni ng Stipendium Hungaricum na dumalo sa orientation upang ibahagi ang kanilang karanasan bilang nga estudyante ng Hungary ay sina Fritz Dustin M. Fiedalan na nagtapos sa University of Debrecen Batch 2021, Dianne Joy D. Aguilon ng University of Szege Batch 2021, Diosdado B. Lopega ng Corvinus University of Budapest Batch 2019, Amalia G. Obusan ng University of Debrecen Batch 2021, at Venes Banquiles ng University of Miskolc Batch 2021.

Para makapag-apply sa scholarship, i-click ang link na ito: https://stipendiumhungaricum.hu/apply/