Libo-libong mga bagong staff ang kakailanganin para sa tatlong bagong cruise ships ng Carnival Cruise Line, ang isa sa pinakamalaking cruise tour operators sa buong mundo.

News Image #1

(Larawan ni Espie Smith)

Sinabi ni Christine Duffy, presidente ng Carnival Cruise Line, na mag-aalok sila ng scholarship para sa mga Pilipinong nagnanais na magtrabaho sa kanilang cruise ships.

Nakikipag-ugnayan na ang Carnival Cruise Line sa dalawang kolehiyo sa Pilipinas - ang STI at ang Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) para rito. Ayon kay Duffy, ibibigay nila sa dalawang eskwelahan ang nilalaman at pagsasanay na kakailanganin ng mga Pilipinong crew na magta-trabaho sa kanilang deck at makina. Gayundin ang mga programang pang-hotel at hospitality.

Inaasahang hanggang 8, 000 pasahero ang maisasakay ng tatlong bagong barko ng Carnival Cruise Line, na ang dalawang barko ay maipapalayag na sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan ay may 12, 000 Pilipinong crew na nagta-trabaho sa Carnival Cruise Line at may 50, 000 Pilipinong crew members naman ang nagta-trabaho sa walong brands ng Carnival Corporation.