Arestado sa kasong murder ang ikalawang Most Wanted Person sa listahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Barangay Western Bicutan, Taguig City noong Nobyembre 6, 2024 ng alas 11:00 ng umaga.
Si Joseph Rupa, isang 27 taong gulang na security guard, ay nakapatay ng tao na hinoldap nito sa may Arca South, Barangay Western Bicutan, Taguig City noong Hulyo 2, 2024.
Napag-alaman na naglalakad noon sa may bahagi ng Arca South ang isang lalaki nang harangin ito ni Rupa at inagaw ang bag nitong may lamang laptop at cellphone.
Nanlaban ang biktima, kaya't kumuha ng malaking bato si Rupa at ipinukpok sa ulo ng lalaki. Ito ang nagsanhi ng kamatayan ng biktima.
Sa bisa ng isang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Antonio Murillo Olivete ng Regional Trial Court Branch 267 saTaguig, naaresto ng mga pulis ng Taguig City at Southern Police District si Rupa sa bahay mismo nito sa Barangay Western Bicutan. Walang piyansang inirekomenda para sa kaso nito.
(Larawan mula sa Taguig City Police)
Security Guard na Nangholdap at Nakapatay ng Lalaki sa bahagi ng Arca South, Naaresto na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: