Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa publiko na suportahan ang bagong henerasyon ng mga pinuno ng Sangguniang Kabataan (SK) kaysa hilingin ang abolisyon ng pamamaraan ng pamamahala ng mga kabataan.
Ginawa ni Cayetano ang panawagan makaraang maihalal na ang bagong mga SK chairmen at councilmen sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kung saan bumoto para rito si Cayetano sa kanyang tahanang siyudad, sa Taguig City.
"Madalas nating sabihin na i-abolish na natin iyang SK dahil naging breeding ground of corruption. Eh sino ba ang nagtuturo sa kanila ng corruption? Hindi ba 'yung matatanda rin? Bakit 'yung bata ang i-abolish? Baligtad!" ayon kay Cayetano.
"Ituloy natin ang SK, pero tulungan, tutukan, at suportahan natin sila. 'Wag natin sila iwanan. Give advice to them, at pag-pray natin sila," dagdag pa ng senador.
Sinabi pa ng senador na ang bagong batch ng SK leaders ay bahagi ng "social media generation" kaya't mas iba ang pananaw nila sa pamamahala."I'm excited for them, but I always want to make sure there is accountability."
"Kung sino man sa atin ang may gift o talent na magmentor sa mga bata, tulungan natin itong bagong generation natin. Kung ano ang ating itanim this year, aanihin natin 20 years from now," pagtatapos ni Cayetano.
Senador Cayetano, Ayaw sa Pagbubuwag ng Sangguniang Kabataan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: