Nagkainitan sa plenary hall ng Senado kagabi sina Senador Alan Peter Cayetano at dating Senate President Juan Miguel Zubiri dahil sa isyu ng resolusyon para isama ang 10 EMBO Barangays sa dalawang legislative districts ng Taguig at Pateros, at ang pagdadagdag ng mga konsehal sa bawat lugar para magkaroon ng representasyon.
Kinwestyon ni Zubiri kung bakit kailangan pang pag-usapan ang naturang resolusyon na iniharap ni Cayetano lalo na at wala naman ito sa daily agenda.
Ayon kay Zubiri, ayaw naman niyang tanggalan ng karapatan ang mg taong pumili ng kanilang representante subalit aniya, kailangng dumaan sa tamang proseso ang naturang panukala.
Ipinaliwanag nman ni Cayetano na ayaw na niyang ipagpaliban pa ang pag-adopt ng naturang panukala dahil kailangan aniyang magkaroon ng representasyon ang EMBO barangays sa darating na eleksyon.
"I don't want to take the risk, you saw the rains today. What if there's a storm tomorrow and we adjourn? So no one from Embo can run for Congressman? No one can vote? This is a five-page resolution, very easy reading," ayon kay Cayetano.
Kapwa naman humingi ng paumanhin ang dalawa sa pagtataas ng kanilang mga boses sa kanilang palitan ng opinyon kaugnay ng resolusyon.
"We don't wanna be like other establishments na ano lang tayo, in the midnight hour we're passing measures. No, we're not like that," ayon kay Zubiri bilang paliwanag na hindi aniya dapat minamadali ang ganitong resolusyon.
Kalaunan sa sesyon, makaraan ang karagdagang diskusyon, kinuha rin ng Senado ang panukalang ito ni Cayetano na nagpapahayag ng pagtanggap ng Senado na may kabuluhan na payagan ang mga mamamayan ng EMBO barangays na makaboto ng kanilang Congressional Representative.
(Screenshots sa Senado)
Senador Cayetano at Zubiri, Nagkainitan sa Plenary Hall ng Senado Makalipas na Magharap ng Resolusyon si Cayetano Para Isama ang 10 EMBO Barangays sa 2 Legislative Districts ng Taguig at Pateros | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: