Sumulat kay Senador Robinhood "Robin" Padilla ang Muslim na pulis na nasa sentro ng naging barilan sa loob ng Taguig City Central Police Station kamakailan na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ng dalawang iba pa, kasama ang sumulat na pulis.

News Image #1


Sinabi ni Padilla na nais niyang siyasatin ng Senado ang naganap na barilan makaraang ilahad ni Chief Master Sgt. Al-Rakib Aguell na ang kanyang pamamaril ay bunga ng matagal nang pangungutya sa kanya kaugnay ng kanyang relihiyon.

Ayon kay Padilla, inilahad ni Aguell na dati pa siyang nakakaranas ng diskriminasyon at pangungutya. Noong Agosto 7 ng tanghali, sinabi ni Aguell na sinilbihan siya ng palihim ng ulam na baboy ng mga kasamahang pulis.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pangyayari kung saan binaril ni Aguell sina Executive Master Sgt. Heriberto Saguiped at Corporal Louie Alison Sindac, na ikinamatay ni Saguiped. Binaril naman ni Corporal Jestoni Ceñaron si Aguell upang mapatigil ito.




"Muslim Filipinos, constituting a minority within the Philippines, encounter unique challenges in the exercise of their religious beliefs, particularly when it comes to fulfilling their basic dietary needs," ang pahayag nu Padilla makaraang iharap ang Senate Resolution Number 743 na humihiling sa Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs na magsagawa ng imbestigasyon, para makabuo ng isang batas para sa kabutihan ng komunidad ng mga Muslim.

Ayon kay Padilla, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga miyembro ng Muslim community na nabastos ang kanilang paniniwala. Nangyari rin aniya ito nang tangkaing i-hostage si dating Senador Leila de Lima sa PNP Custodial Center noong Oktubre 9, 2022 dahil isang bilanggong Muslim ang nasilbihan din ng pagkaing may pork meat.

"The Senate should conduct an inquiry in aid of legislation into the plight of the Muslim community in light of the numerous acts and practices that disadvantage and undermine their religious beliefs, particularly in the observance of their dietary principles," dagdag pa ni Padilla.

"Given the recurring unfortunate incidents prejudicial to the Muslim community and their basic necessity for human survival, that is sustenance through food in line with their dietary principles, it is imperative for the Senate to thoroughly evaluate and formulate effective measures to address and mitigate these occurrences," pagdidiin ni Padilla.

(Photo by the Philippine News Agency)