Pinag-iisipan ni Senadora Nancy Binay na tumakbo bilang alkalde ng Makati City sa kabila ng napabalitang balak na pagtakbo rin sa naturang posisyon ng asawa ng kasalukuyang Makati Mayor Abby Binay na si Congressman Luis Campos.
(Larawan mula sa FB Page: Nancy Binay)
Una rito ay umugong ang balitang sa Taguig City naman tatakbo bilang alkalde si Mayor Abby Binay subalit ang nauna nitong pahayag na magdedesisyon siya pagdating ng Marso ay hindi nangyari.
(Larawan mula sa FB Page: Abby Binay)
Sa isang press conference sa Senado, sinabi ni Senadora Binay na may 70% tsansang tatakbo siya bilang alkalde ng Makati. Pipilitin lamang aniya niyang hindi magkaroon ng kaguluhan sa kanilang pamilya kung magkakatapat sila ng kanyang bayaw.
"Syempre ang consideration ko is parang at the end of the day hindi ko pwedeng pabayaan yung mga kababayan ko sa Makati. Kailangan ang mag aalaga sa kanila ay kayang ibigay ang pag aalagang ibinigay ng mga Binay," ayon kay Senadora Binay.
Huling taon na sa Senado ng nakatatandang kapatid ni Mayor Abby kung kaya't naghahanda na ito sa kanyang susunod na plano sa pulitika.
Senadora Nancy Binay sa Makati, Mayora Abby Binay sa Taguig? | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: