Nagtakda ng public hearing ang Senate Committee on Accounts kaugnay ng New Senate Building project ngayong Miyerkules, Hulyo 3, 2024, ganap na ala 1:00 ng hapon.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Layunin nitong mapag-aralan agad ang mga detalye sa pagpapagawa ng bagong gusali ng Senado sa Chino Roces Extension Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

"This initiative aims to eliminate delays that could result in unnecessary costs or complicate cost-related matters," ang pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Committee on Accounts kasabay ng pagsasabing nais nilang magkaroon ng patas na review sa ginagawang gusali ng Senado.

"Consequently, we have formally requested Secretary Manuel Bonoan for these documents to be submitted no later than Monday, July 1, 2024. This timeline allows committee members adequate time to review the materials thoroughly ahead of Wednesday's hearing," ayon pa sa pahayag.

Naibigay naman ng Department of Public Works and Highways ang hinihinging mga dokumento ni Cayetano na gagamitin sa pagdinig.

Ayon naman kay Senadora Nancy Binay, dating chairperson ng Senate Committee on Accounts, ang mga dokumentong hinihingi ni Cayetano ay naroon lamang sa Senate building, at dapat ay may access na sa mga dokumentong ito si Cayetano.

Gayunman, sinabi ni Binay na walang maayos na turn-over mula sa kanyang pinamahalaang komite tungo kay Cayetano dahil hindi aniya siya kinakausap ng senador.

"Hindi niya ako tinanong so nag-aantay din ako kasi may mga ibang data na nasa cloud. So, on my end kailangan ko din malaman sino ba yung bibigyan namin ng access to the cloud or yung mga ganung dokumento. And so far parang wala pang ganung transition and turnover kasi nga babalik na naman tayo dun sa hindi pa niya ako kinakausap," ayon kay Binay.

Ayon kay Binay, imo-monitor na lang niya kung ano ang magiging kaganapan sa pagdinig dahil napag-alaman niyang wala na rin siya sa Senate Committee on Accounts.