Halos 1, 000 sundalo ng Philippine Army ang ipinadala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre 30, 2023.
Sa send off ceremony na isinagawa sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido na mahalaga ang tungkulin ng mga tropa ng Army sa darating na eleksyon "to practice the right of suffrage as well as to ensure the safe, orderly, and peaceful conduct of elections."
Sinabi rin ni Galido na kailangang palakasin lalo ng tropa ang pangangalaga sa seguridad at pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at iba pang security forces ng pamahalaan.
Ang mga eroplano ng Philippine Airforce naman ang nagdala sa mga sundalo sa Mindanao.
Ang mga puwersang pang-seguridad ng pamahalaan ang aalalay sa Commission on Elections personnel, poll deputies at iba pang tauhan ng pamahalaan na may kinalaman sa eleksyon.
(Photos by 6th Infantry Division Public Affairs Office)
Send-Off Ceremony Para sa Halos 1000 Sundalo ng Philippine Army, Isinagawa sa Fort Bonifacio | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: